eh, tinotoo ng tatay ko na bilhan ako ng libro nung linggo. haha. dapat pala jinojoke ko siya palagi. Salamat po! Pero mukhang di ko pa mababasa. Ang dami pang kailangan unahin. Sa susunod uli.
*Una kong narinig si Ravi Zaracarias sa kanyang radio program na "Let my People Think" Mayroon akong libro niya na the "The Grand Weaver" at"From East to West" Pero wish ko, haha, sana kahit sa pasko na makuha ko yung "Jesus, among Other Gods."
indnjc :)
Tuesday, September 14, 2010
Wednesday, September 8, 2010
huling araw
HULING ARAW
Linggo-linggo na lang ang lindol
ngayon. Iniiwang wasak ang maraming pader
ng katiyakan. Iniiwang may lamat
dili kaya’y binitak-bitak ng pangamba.
Nagsisimula na ba ang wakas
ng mundo? Minsan itatanong natin
habang nakikinig sa radyo o kaya’y diyaryo.
Ngunit gaya ng yero sa bubong
na tinangay ng bagyo, aanurin ito
patungo sa kung saang pusalian
ng ating kawalang-pakialam. Walang
saysay ang gayong salaysay.
Sasabihin ng historyador na batbat
ang kasaysayan ng mundo ng kung anu-
anong trahedya. Sasabihin ng pilosopo
na malaking trahedyang tayo’y nasa mundo
Bigla, tila granadang sasabog
Sa ating harapan ang mga napipintong digmaan.
Yayanigin tayo ng takot. Magkukubli
tayo sa paninindigang lumaban. Tatawag
tayo sa kung sinu-sinong mesiyas
ng ating pangangailangan. Ngunit
hahamakin natin ang mga nagdarasal
ng tagapagligtas mula sa alapaap.
Kaybagal ng inyong tinatawag.
Silang makakapal ang palad at maninipis
ang utak.Silang mga wala bukod sa isang kutsarang
asin, bagoong o kanin. Silang may iilang
kusing Tila natatanging barya ang paghawak
nila sa ganoong pag-asa. Tila,
tila mayroon silang tayo’y wala.
Linggo-linggo na lang ang lindol
ngayon. Iniiwang wasak ang maraming pader
ng katiyakan. Iniiwang may lamat
dili kaya’y binitak-bitak ng pangamba.
Nagsisimula na ba ang wakas
ng mundo? Minsan itatanong natin
habang nakikinig sa radyo o kaya’y diyaryo.
Ngunit gaya ng yero sa bubong
na tinangay ng bagyo, aanurin ito
patungo sa kung saang pusalian
ng ating kawalang-pakialam. Walang
saysay ang gayong salaysay.
Sasabihin ng historyador na batbat
ang kasaysayan ng mundo ng kung anu-
anong trahedya. Sasabihin ng pilosopo
na malaking trahedyang tayo’y nasa mundo
Bigla, tila granadang sasabog
Sa ating harapan ang mga napipintong digmaan.
Yayanigin tayo ng takot. Magkukubli
tayo sa paninindigang lumaban. Tatawag
tayo sa kung sinu-sinong mesiyas
ng ating pangangailangan. Ngunit
hahamakin natin ang mga nagdarasal
ng tagapagligtas mula sa alapaap.
Kaybagal ng inyong tinatawag.
Silang makakapal ang palad at maninipis
ang utak.Silang mga wala bukod sa isang kutsarang
asin, bagoong o kanin. Silang may iilang
kusing Tila natatanging barya ang paghawak
nila sa ganoong pag-asa. Tila,
tila mayroon silang tayo’y wala.
Monday, September 6, 2010
demanding
Una kong narinig si John Piper sa ilang mga kaibigan. Pinag-uusapan nila ang isang libro ni Piper. Di ko na malaman kung anong libro iyon. Malamang ang pinakasikat niyang libro na Desiring God. Isinawalang bahala ko pa muna siya noon dahil may ilan pa akong librong binabasa at ilang sermon na pinakikinggan. Bukod doon nagiging mahigpit naman ang mga kailanganin ko sa eskwela kaya napagpaliban ko na rin ang kumbaga, sa wika ng isang pilosopo na si Marcel, isang engkwentro.
Nagkaroon ako ng unang pagkakataon na mabasa talaga si Piper sa librong “The Spectacular Sins”. Humanga ako sa kung paano niya inilatag ang wagas at walang wakas na kapangyarihan ng Diyos na kahit na ang pinakakakahindik-hindik na kasalanan sa mundo, nagawa pa rin niyang payagan na mangyari iyon para higit na ipakita na siya at tanging siya lamang ang tanging may control sa kasaysayan. Siya ang nagbibigay saysay sa kasaysayan.
Nagpapatuloy ang pagsubaybay ko sa kanya hanggang makabili ako ng libro niyang “50 Reasons why Jesus died.” At ilang sermon na rin tungkol sa aklat ni Hosea
Sa aklat na ito inilatag na agad ni Piper kung ano yung pangunahin layunin niya kung bakit niya sinulat ang librong ito.
“The aim of this book is God-glorifying obedience to Jesus. To that end I am seeking to obey Jesus’ last command: “Make disciples of all nations . . . teaching them to observe all that I have
commanded you” (Matt. 28:19-20).”
Gaya nga ng nasambit sa talata, hindi lamang pagtuturo ng mga kautusan ni Kristo ang ipinagutos dito Matthew 28. Higit doon ang utos na gawin mismo (observe) ang mga itinuro niya noong nasa lupa pa siya at kasama ang mga disipulo niya. Pero sabi nga ni Piper mukhang imposible talagang gawin ang lahat ng mga inutos ni Hesus.
So the greatest challenge in writing this book has been to discern God’s way of making impossible obedience possible.Dying was not his only mission. But it was central. In shedding his blood he purchased the new-covenant promises. The new covenant was God’s promise that all who enter the coming kingdom will have their sins forgiven, will have the law written on their hearts, and will know God personally (Jer. 31:31-34). The blessings of this covenant are crucial in enabling us to obey Jesus’ commandments. Which makes Jesus’ death of supreme importance in bringing about the impossible obedience that he demands.
Demanding demanding talaga. Pero karapat-dapat naman siya ng lahat-lahat!
Sa mga susunod na lunes na lamang ang ilan pang pagmumuni.
Papuri lahat sa Panginoon.
Demand #1
You Must Be Born Again
Demand #2
Repent
Demand #3
Come to Me
Demand #4
Believe in Me
Demand #5
Love Me
Demand #6
Listen to Me
Demand #7
Abide in Me
Demand #8
Take Up Your Cross and Follow Me
Demand #9
Love God with All Your Heart, Soul, Mind,
and Strength
Demand #10
Rejoice and Leap for Joy
Demand #11
Fear Him Who Can Destroy Both Soul
and Body in Hell
Demand #12
Worship God in Spirit and Truth
Demand #13
Always Pray and Do Not Lose Heart
Demand #14
Do Not Be Anxious About the Necessities of
Daily Life
Demand #15
Do Not Be Anxious About the Threats of Man
Demand #16 125
Humble Yourself by Making War on Pride
Demand #17
Humble Yourself in Childlikeness, Servanthood,
and Brokenhearted Boldness
Demand #18
Do Not Be Angry—Trust God’s Providence
Demand #19
Do Not Be Angry—Embrace Mercy and Forgiveness
Demand #20
Do the Will of My Father Who Is in Heaven—
Be Justified by Trusting Jesus
Demand #21
Do the Will of My Father Who Is in Heaven—
Be Transformed by Trusting Jesus
Demand #22
Strive to Enter through the Narrow Door,
for All of Life Is War
Demand #23
Strive to Enter Through the Narrow Door,
for Jesus Fulfills the New Covenant
Demand #24
Strive to Enter through the Narrow Door,
for You Are Already in the Kingdom’s Power
Demand #25
Your Righteousness Must Exceed That of the
Pharisees, for It Was Hypocritical and Ugly
Demand #26
Your Righteousness Must Exceed That of
the Pharisees—Clean the Inside of the Cup
Demand #27
Your Righteousness Must Exceed That of the
Pharisees, for Every Healthy Tree Bears
Good Fruit
Demand #28
Love Your Enemies—Lead Them to the Truth
Demand #29
Love Your Enemies—Pray for Those Who
Abuse You
Demand #30
Love Your Enemies—Do Good to Those Who
Hate You, Give to the One Who Asks
Demand #31
Love Your Enemies to Show That You Are
Children of God
Demand #32
Love Your Neighbor as Yourself, for This Is
the Law and the Prophets
Demand #33
Love Your Neighbor with the Same Commitment
You Have to Your Own Well-being
Demand #34
Love Your Neighbor as Yourself and as
Jesus Loved Us
Demand #35
Lay Up for Yourselves Treasures in Heaven by
Giving Sacrificially and Generously
Demand #36
Lay Up for Yourselves Treasures in Heaven
and Increase Your Joy in Jesus
Demand #37
Lay Up for Yourselves Treasures in Heaven—
“It Is Your Father’s Good Pleasure to Give You
the Kingdom”
Demand #38
Do Not Take an Oath—Cherish the Truth
and Speak It Simply
Demand #39
Do Not Take an Oath—Let What You Say
Be Simply “Yes” or “No”
Demand #40
What God Has Joined Together Let No Man
Separate, for Marriage Mirrors God’s Covenant
with Us
Demand #41
What God Has Joined Together Let No Man
Separate, for Whoever Divorces and
Marries Another Commits Adultery
Demand #42
What God Has Joined Together Let No Man
Separate—One Man, One Woman, by Grace,
Till Death
Demand #43
Render to Caesar the Things That Are Caesar’s
and to God the Things That Are God’s
Demand #44
Render to Caesar the Things That Are Caesar’s
as an Act of Rendering to God What Is God’s
Demand #45
Do This in Remembrance of Me, for I Will
Build My Church
Demand #46
Do This in Remembrance of Me—Baptize Disciples
and Eat the Lord’s Supper
Demand #47
Let Your Light Shine Before Others That They
May Glorify Your Father Who Is in Heaven
Demand #48
Let Your Light Shine before Others—the Joyful
Sacrifice of Love in Suffering
Demand #49
Make Disciples of All Nations, for All Authority
Belongs to Jesus
Demand #50
Make Disciples of All Nations, for the Mission
Cannot Fail
Sunday, September 5, 2010
ashamed of the gospel
Kasalukuyang binabasa para sa ngayong linggo ang "Ashamed of the Gospel : When the Church Becomes like the World " ni John Macarthur. Noong nakaraang isa't kalahating dekada pa ito unang nilimbag pero parang higit na nagiging totoo ang mga nakasulat lalo na sa kasalukuyang lagay ngayon ng simbahan, hindi lang sa Amerika kundi sa ibang panig ng mundo. Sa mga susunod na araw ang ilang pagmumuni, dahil kailangan ko munang pagtuunan ng pansin ang ilang mga pagsusulit.
"For the message of the cross is foolishness to those who are perishing but to us who are being saved, it is the power of God. " 1 cor. 1:18
"For the message of the cross is foolishness to those who are perishing but to us who are being saved, it is the power of God. " 1 cor. 1:18
Saturday, September 4, 2010
Isang Pagtataya
ISANG PAGTATAYA
Nagmula sa salitang Latin na “religio” ang salitang “relihiyon” na may tatlong posibleng kahulugan. Gaya nga ng nabanggit na sa klase maaaring ibig sabihin nito ay re-legere o isang muling pagbasa. Naangkop ito dahil ang mga pinakadominanteng relihiyon sa mundo ay mayroong mga kasulatan na pinanghahawakan. Ito ang paulit-ulit binabalikan upang basahin, pagmuni-munihan tungkol sa kung paano ba sila dapat mamuhay ayon sa Diyos nila. Maari rin naman ang religio ay nagmula sa re-ligare na ang ibig sabihin ay isang pagtatali gaya nga halimbawa ng pagsunod sa nakagisnang relihiyon ng magulang o kinalakihan kahit na wala naman talagang buong pusong pagtalima dito. At panghuli, maaring nagmula rin ito sa salitang re-eligere o isang pagpili.
Ang pangatlong kahulugan na ito ang gusto kong pagmunihan. Ang relihiyon sa salitang Filipino ay pwedeng isalin bilang pananampalataya. Kaya nga maaring itanong, bagamat magtutunog kang mula sa panahon ni kopong popong, kung ano ang pinanampalatayanan mo? Ano ang relihiyon mo? Ano ang pinaniniwalaan mo? At kung titingnan ang salitang-ugat ng pananampalataya maaring galing ito sa dalawang salita na “sampa” at “taya”. Kung gayon, higit na lalawak ang pagmumuni sa pagbanggit ng mga salitang ito. Dahil hindi na lamang isang simpleng relihiyon ang relihiyon. Hindi na lamang naniniwala sa wala, at nakasandig sa kawalan ang isang pananalig. Isa ito kung gayon isang pagsampa at tuluyang pagtataya.
Sumpa ng Pagsampa
Laging may sumpa ang pagsampa. Tila isa itong pagsakay sa kung anumang sasakyan na nangangailangan ng isang pag-igpaw mula sa isang ligtas na lugar patungo sa isang gumagalaw, niyuyugyog at nililigalig na katiyakan. Sabi nga, isa lamang ang bagay na tiyak, tiyak ang kawalang-katiyakan. Wala akong maalalang imahen na hihigit pa para maisalarawan ito bukod sa kuwento ni Pedro sa Bibliya noong una at huling beses niyang maglakad sa tubig. Ngunit baligtad ang senaryong ngayon dito. Mapapansin sa kuwentong iyon na nasa loob na sila ng bangka. Pumalaot sila papunta sa kabilang panig ng lawa ng Galilee. Ngunit binayo ng bagyo ang kanilang bangka at napuno sila ng takot. Maya-maya makikita nila ang isang tila multo na naglalakad sa tubig at nagsasabing siya si Hesus. Isang hamon ang binigay ni Pedro: kung tunay ngang siya si Hesus, hayaan din niyang lumakad si Pedro sa tubig. Halika! Tugon ni Kristo na hamon sa hamon ni Pedro, na sumampa hindi papasok sa mas ligtas na bangka, kundi sa isang mas niliglig na daluyong ng tubig. Halika.
At ganito rin maisasalarawan ang buong karanasang relihiyoso. Isang pagtugon sa hamon na iyon. Halika, lumapit ka, nang makita mo at maranasan mo.
Ngunit tila ito laging may balakid. At iyon ang pinag-uusapan ng mga tanong na naibigay sa klase. Tila naging sumpa ang mga sinampaang sitwasyon. Halimbawa, mapapansin na sa isang karanasang relihiyoso, kinakailangan makilala ang isang Diyos na siyang magbibigay ng karanasan. At pansinin din na hindi ang tao ang nagbigay pangalan sa Diyos kundi ang Diyos mismo. Gaya nga ng sinabi ni Ricouer, isang pangalan na walang sinuman ang makakabigkas talaga dahil ang pangalan na ito, ang YHWH, ay walang mga patinig, at tila nauutal at napapatigil ang sinumang bumabanggit nito. Bukod doon, may literal ding sumpa ang sinumang bumigkas ng pangalan na iyon at nailagay mismo sa sampung utos ng Diyos. “Huwag mong gagamitin sa walang kabuluhan ang pangalan ni Yahweh na iyong Diyos. Tiyak na paparusahan ko ang gumamit nito nang walang kabuluhan.” (Deut 5:11)
Pero biglang may isang pagkakataon sa kasaysayan ng mundo, ibabalita ng isang anghel sa isang mahirap na karpintero sa isang mahirap na bansa ang pangalan ng isang Diyos na nagkatawang lupa upang iligtas ang sangkatauhan. “Pangangalan mo siyang Hesus…” Isang pangalan na napakakaraniwan. Pangalan na kayang banggitin ng sinuman. Pero sasabihin ni Kristo paglaon na siya ang daan, ang katotohanan at ang buhay. Siya ang pinto, siya ang mabuting pastol, siya ang tunay na puno ng ubas. Siya ay siya nga. Ako si Ako Nga. Ang pangalang hindi mapangalanan. Ang pangalan na walang sinumang makabanggit ngunit lagi namang bukambibig ng mga tao. Hindi ba ako pakakasumpain kung babanggitin ko ang pangalang ito? Pero ang sabi nga ni Pedro paglaon, walang pangalan ibinigay ng langit, bukod kay Hesus para sa kaligtasan ng mundo. Nasa pangalan ba na ito ang kaligtasan, hindi ang sumpa ng kamatayan?
Tila laging alingawngaw ang mga paanyaya ni Kristo: Halika, lumapit ka. Halika. Sasampa ka ba kahit tila may sumpa iyon. Bababa ka ba sa bangka gaya ni Pedro patungo sa niliglig ng daluyong at kawalang-katiyakan? Maaawit mo ba o mababanggit man lang ba ng iyong mga dila ang mga salitang ito ng matandang tula sa Tagalog:
May bagyo ma't, may rilim
Ang ola'y, titiguisin,
Aco'y, magpipilit din:
Acquing paglalacbayin
Toloyin cong hanapin
Dios na ama namin.
Ang ola'y, titiguisin,
Aco'y, magpipilit din:
Acquing paglalacbayin
Toloyin cong hanapin
Dios na ama namin.
Mga Punto at Pagtataya
Kung ipagpapatuloy pa ang mga naiwang tanong sa itaas, maibubuod ito sa isang tanong: magtataya ka ba? Kung tutuusin ito naman ang madalas gawin ng bawat tao sa mundo, hindi lang ang mga sugarol sa kung saang pasugalan sa kanto o kasino o yaong mga bata sa kalye na natutong magtaya sa kanilang mga laro ng mga pag-aari nilang teks o holen. Ang tao sa bawat desisyon niya ay nagtataya. Mula sa simpleng pagkain, na tinataya mo na mas masarap ang isang putahe kaysa sa iba patungo sa mas mga kumplikadong bagay gaya ng pag-aasawa o pakikipagrelasyon, na mas magiging maligaya ka sa piling ng isang taong ito kaysa sa iba. Kung iuusad pa nga bawat bagay sa mundong ito ay representasyon ng pagtataya. Ang upuan ay upuan dahil nagtitiwala tayo na kapag umupo tayo dito hindi ito bibigay. Nagtitiwala tayo na kapag binuksan ang ilaw, iilaw ito at magbibigay ng liwanag.
Sa isang nobela ni Edward Abbott na pinamagatang The Flatland, babanggitin doon ang itsura ng lahat ng mga naninirahan sa Flatland. Wala ka doong makikita bukod sa mga linya. Dahil nakikita nila ang kanilang sarili sa pamamagitan lamang ng dalawang dmensiyon (2D o sa matematika, sukat at haba lamang at wala ang lapad). Madalas makita nila ang kapwa nila mamamayan bilang linya lamang sa kung paraan kung paano natin makita ang isang barya sa nibel o taas na kapantay ng ating mga mata. Bilog nga ang isang taong makakasalubong ng isang mamamayan ng Flatland pero para sa nakakita isa lamang itong linya. Bukod doon kung malayo sila sa isa’t isa, nakikita nila ang iba bilang mga punto o tuldok na lamang. Hindi nila mawari kung anong hugis ba sila talaga. At kinakailangan pa ng isang nilalang na nagbuhat sa labas at nakaranas ng tatlong dimensiyon (3D) upang sabihin na hindi sila mga punto o linya. Na ang isang simpleng parisukat o parihaba pala ay isang kahon. Na ang isang simpleng bilog ay hindi lamang bilog kundi isang sphere at ang isang tatsulok ay hindi lamang tatsulok kundi isang piramide o isang cone. Ngunit ang punto, maniniwala ba sila sa sinasabi na iyon ng isang nakaranas ng tatlong dimensiyon? Magtataya ba sila?
At dito ang punto ng pagtataya. Bagamat tila walang direksiyon ang lahat at naiiwan o naiipit tayo, ayon sa wika ni Marion, sa isang aporia, hindi maaaring ipagpaliban ang mga tanong na ito. Kailangang sagutin ngayon at ngayon na. Sabi nga sa Tagalog, nasa balag tayo ng alanganin. At kung tutuusin bawat isa ay nasa bingit ng kamatayan. Kailangan kung gayon malaman kung paano mabuhay. Kailangan kong makilala ang Diyos na ito. Kailangan kong hanapin, tawagin bagamat hindi ko naman maisigaw ang pangalan nito. Kailangan kong makita siya bagamat hindi naman talaga siya makikita ng aking mata. Pero hindi ba ito ang pananampalataya? Isang pagsampa patungo sa kung saan na hindi makita ng basta mata lamang at pagtataya na kahit ano mang kawalang katiyakan ang naroon, mayroon at mayroong aakay sa akin paahon sa tubig na ito gaya ng nangyari kay Pedro. Isang pagtataya, o kung baga isang pag-asa ito na bagamat tila walang saysay ang mga bagay-bagay, tila tuldok lamang o mga linya lamang ang aking nakikita gaya ng mga mamamayan sa Flatland, masasambit ko ang ilang mga salita gaya ng sinabi ni Marcel “..to hope against all hope…I assert that a given order shall be re-established, that reality is on my side in willing it to be so. I do not wish. I assert; such is the prophetic tone of true hope.”
Naniniwala ako, nagtitiwala ako kahit walang-wala ako.
Gaya ni Descartes sa kanyang Meditaciones, gusto ko tapusin ang mga pagmumuni na ito, ang mga pagtataya na ito sa pamamagitan ng isang panalangin din. O higit pa, sa isang diona, isang awit ng pag-ibig, isang awit ng pagtataya.
DIONA SA DIYOS
Lahat ay nahuhulog
bulalakaw o unos,
inuulos ang moog
ng aking pananalig,
iniiwang nakatirik
itong posteng naliglig
ng aking alinlangan.
Di ko maintindihan,
parang may kahulugan.
Subscribe to:
Posts (Atom)